Nasa P47.54 billion na pondo ang nailabas ng Department of Budget and Management (DBM) nitong 2023, para sa implementasyon ng Protective Services of Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC).
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, tungkulin ng pamahalaan na mag-abot ng tulong sa mga pinaka-nangangailangan.
Marami aniya sa mga Pilipino ang umaasa sa mga programa ng gobyerno, kaya’t sinisiguro ng administrasyon na mapaabutan ng tulong ang mga ito.
“In times of crisis, our duty as public servants is to extend a helping hand to those who need it most. Marami po sa ating mga kababayan ang umaasa sa tulong na ibinibigay ng programa kaya sinisiguro po natin na patuloy itong aagapay sa mga kababayan nating nangangailangan,” —Secretary Pangandaman.
Kaugnay nito, ngayong taon siniguro ng DBM na ma-sustain ng pamahalaan ang pondo para sa programa.
Ngayon 2024, nasa P34.27 billion ang inilaan ng pamahalaan kung saan nasa higit 3.8 million ang target na magbi-benepisyo. | ulat ni Racquel Bayan