Panawagang huwag munang ipatupad ang premium hike sa PhilHealth, sinegundahan ni Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senate Committee on Health Chairperson Senator Christopher ‘Bong’ Go ang apela ni Health Secretary Teodoro Herbosa na suspindehin muna ang dagdag sa premium ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong taon.

Ayon kay Go, bagama’t tinanggal na ang State of Public Health Emergency dahil sa COVID-19 pandemic, hanggang ngayon ay ramdam pa ng ating mga kababayan ang epekto nito sa ating ekonomiya. 

Marami pa rin aniya tayong mga kababayang nahihirapan sa kanilang hanapbuhay kaya hindi dapat munang dagdagan ang hirap na kanilang dinadala.

Dinagdag pa ng senador, na tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na sapat pa ang pondo ng PhilHealth para patuloy na makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga miyembro nito kahit pa ipagpaliban ang 5 percent premium hike.

Bilang chair ng Senate Committee on Health, nanawagan si Go sa pamunuan ng PhilHealth na tuluyang sugpuin ang mga anomalya sa ahensya, pagbutihin ang serbisyo nito, at siguraduhing bawat piso sa pondo ng taumbayan ay nagagamit para sa mga miyembro nito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us