Pasok sa listahan ng Top 10 trending destinations for travelers for 2024 ang Panglao sa Bohol ng international travel agency na Booking.com dahil umano sa “petite tropical gem” ng mga beaches nito.
Kinilala rin ng Amsterdam-based agency ang Panglao bilang greenest destination sa Pilipinas na ideal para sa mga turista na naghahanap ng magaan na island life na may pokus pa rin sa environment conservation.
Binigyang pagkilala rin nito ang Alon at Danao beaches, ang samu’t saring outdoor activities sa isla, kabilang ang ang island hopping, at ang mga diving spot sa lugar.
Kasama sa listahan ng Panglao sa Top 10 trending destinations for travelers ang Beppu sa Japan, Valkenburg sa Netherlands, Vlorë sa Albania, Chemnitz sa Germany, Rotorua sa New Zealand, Cairns sa Australia, Buenos Aires sa Argentina, Portland sa USA, at Mérida sa Mexico.
Sinasabing base ang ranking sa isang global study na kinabibilangan ng nasa 27,000 na manlalakbay mula sa 33 na bansa.
Itinatag noong 1996, kinikilala ang Booking.com bilang isa sa pinakamalaking online travel agencies sa mundo kabilang ang mobile app nito na isa sa mga most downloaded apps sa lilalim ng travel agency category. | ulat ni EJ Lazaro