Hindi na pinatulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging pahayag sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umano’y paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot.
Nang matanong ukol sa nasabing akusasyon, tumugon na lamang ang Pangulo sa pamamagitan ng tawa.
Sinundan na lamang ito ng Pangulo ng maikling pahayag na hindi niya idi-dignify o pag- uukulan ng pansin ang nasabing inquiry.
Naganap ang ambush interview sa Chief Executive matapos ang departure speech nito para sa kanyang dalawang araw na state visit sa Vietnam.
Lumapit ito sa mga mamamahayag at mula duon ay nagbigay na ng kanyang pahayag hinggil sa mga binitiwang salita ng dating Pangulo. | ulat ni Alvin Baltazar