Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Katoliko na gamitin ang pista ng Itim na Nazareno upang hanapin ang kanilang lakas, pag-asa, at layunin sa buhay.
“Let the Feast of the Black Nazarene inspire us to discover our inner strength and new sense of hope and purpose” – Pangulong Marcos.
Sa mensahe ng Pangulo para sa kaganapan, sinabi nito na ang pagpapahayag ng pananampalataya para sa selebrasyon ay sumasalamin lamang sa pagmamahal at sakripisyo ni Hesus, na nag-alay ng kaniyang buhay, upang muling maging buo ang sambayanan.
“Beyond the extraordinary expressions of reverence that we see on display during this event, the festivities show us the love and sacrifice of Jesus Christ who willingly offered Himself to make us whole once more,” —Pangulong Marcos.
Hinikayat rin ni Pangulong Marcos ang mga mananampalataya na alalahanin ang kahulugan ng pagsasakripisyo, dahil sa mga ganitong panahon aniya sumasailalim sa pagbabago at spiritual transformation ang mga lahat.
“By working through our struggles and difficulties, we discover our inner strength and resolve, emerging from the pits of darkness and despair with a renewed sense of hope and purpose,” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, hinikayat rin ni Pangulong Marcos ang mga mananampalataya na palalimin pa ang kanilang koneksyon sa Panginoon, at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino at sa buong bansa.
“With our faith guiding our every word and deed, I am certain that we will build a brighter future for our nation and create a world where love, kindness, and harmony reign supreme,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan