Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na siguruhing maisasaalang-alang ang climate plans ng Pilipinas sa polisiya ng mga ito.
“The best that we can do is number one, be very specific on what is necessary for the Philippines. If we take care of the Philippines, we can bet with confidence that we are doing our part. So, asikasuhin muna natin ‘yung Pilipinas, kung what is good for us. So, the communities that are high risk, ano kailnagan nila. Let’s focus on that,” —Pangulong Marcos.
Ginawa ng Pangulo ang direktiba sa pulong sa Malacañang kasama ang mga miyembro ng gabinete.
Kasunod na rin ito ng matagumpay na partisipasyon ng Pilipinas sa nagdaang Conference of the Parties ng United Nations (COP 28) sa Dubai, UAE.
Kailangan aniya na lahat ng effort sa ilalim ng Nationally Determined Contribution Implementation Plan (NDCIP) 2023-2030 at ng Philippine National Adaptation Plan (NAP) 2023-2050, ay para sa interes ng Pilipinas lalo na iyong nasa high-risk areas.
“It’s a big, big (task). This covers three decades and the entire country. It’s a completely different situation when it comes to climate change. Anyway, I think that’s the approach that we should take. We have to try and work our way down through the system—the economic system—so that we can address the specific situations, the specific conditions (of each area),” —Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, kailangang siguruhin ng pamahalaan ang aktibong partisipasyon ng bansa sa Loss and Damage Fund Board.
Ipinunto rin ng Pangulo, ang pangangailangan ng pagtutulungan ng lahat sa pagpapababa ng carbon emission ng bansa.
Present sa pulong ang mga kalihim at opisyal ng DENR, NEDA, DOF, DSWD, DPWH, DOE, at Climate Change Commission (CCC). | ulat ni Racquel Bayan