Aalamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung nais makipagpulong sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ni Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, kasunod ng sinabi ng dating pangulo sa isang panayam na nais niyang makausap “indirectly” si Pangulong Marcos, kaugnay sa issue ng SMNI.
Kung matatandaan, nagpro-programa ang dating pangulo sa SMNI.
Ika-21 ng Disyembre, 2023, nang maglabas ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapa-suspinde sa broadcast operations ng SMNI ng 30 araw dahil sa alegasyon ng paglabag sa terms and conditions na nakapaloob sa prankisa nito.
Pagtitiyak ni Secretary Garafil, palaging bukas si Pangulong Marcos, para kay dating Pangulong Duterte.
“President Marcos is always available to former President Duterte. The President will contact him now to ask if he wants a meeting.” —Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan