Panukalang Self Reliant Defense Posture Program, pasado na sa Kamara; mas matatag na depensa ng bansa, inaasahang matutugunan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 194 na pabor ay lusot na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9713 o ang Philippine Self-Reliant Defense Posture Program.

Ito na ang ika-54 mula sa kabuuang 57 LEDAC priority measures na pinagtibay ng Kamara.

Sa ilalim nito, inaasahang mapapalakas pa ang national defense industry ng bansa sa pamamagitan ng military at civilian partnership, pagdating sa local production ng “materiel” na tumutukoy sa military technology, armas, bala, at combat clothing.

Itinutulak dito na magkaroon ng sariling produksyon at suplay na pangdepensa ang bansa upang protektahan ang pambansang soberenya para sa isang mas mabisang defense acquisition.

Itatatag naman ang Office of the Undersecretary for Defense Technology Research and Industry Development na mangangasiwa sa databank para sa analysis, research at development tungo sa defense industry promotion.

Magkakaroon din ng isang Self-Reliant Defense Posture Trust Fund na manggagaling sa savings mula sa annual net income ng government arsenal, shares mula sa revenues ng reclamation projects, grants at donasyon, at iba pang sources. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us