Inaalam na ng pamahalaan kung ano ang pinakamabuting paraan upang maipatupad ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng mga panawagan na mamagitan na banggaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, kaugnay sa usapin ng People’s Initiative.
Sa panayam sa media sa pagtatapos ng State Visit sa Hanoi, Vietnam, sinabi ng Pangulo na isa ito sa mga tututukan niya pagbalik sa Pilipinas.
Una na aniya siyang kumunsulta sa mga pinakamagagaling na legal advisers sa bansa, at
patuloy rin ang pakikipag-usap niya sa Senado at Kongreso, upang makahanap ng mas simpleng paraan na hindi lilikha ng kontrobersiya.
Ang nangyayari kasi aniya, economic provisions lamang naman ang nais ng pamahalaan na ma-amyendahan, ngunit nahahaluan ito ng usaping pampolitika.
“It is the usual conflict between the House and the Senate, whether to vote together or separately. Now the best advise that we are getting, the best analysis and interpretation that we have, is that the legislature is of that bicameral nature. And that implies that they vote separately. So, how that will be done is what we are trying to figure out. How will it be done so that, both houses’ role in this bicameral system is preserve and that is what we are working on right now.” -Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, nagpapatuloy pa rin naman ang People’s Initiative sa kasalukuyan.
“We haven’t made those decisions yet, but I think as of now the People’s Initiative is continuing, but I don’t know if that is still on their options that remains to us.” -Pangulong Marcos.
Tuloy rin naman aniya ang pagdulog nila sa mga dating Chief justice, upang mahingan ng legal advise ang mga ito sa kung ano ang pinakamabisang paraan, upang maipatupad ang pag-amyenda sa economic provisions ng pamahalaan.
“Itinatanong na natin, ano sa palagay niyo ang pinakatamang gawin, so the details have not yet decided upon, that is precisely what we will be working on once we get back.” -Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan