Hinimok ni OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na magparehistro na para sa 2025 elections.
Kasunod ito ng nakuhang commitment ng mambabatas mula COMELEC na ang Overseas Absentee Voting para sa 2025 elections ay maaaring nang via internet voting.
“As COMELEC is geared up for internet voting for overseas voters, I encourage all our OFWs to maximize the opportunity to exercise their right to suffrage. But first, they must ensure that their registration status is in order. Sana ay maging kabahagi ang lahat ng ating OFWs sa kauna-unahan at makasaysayang internet voting para sa ating mga overseas voters na gagawin sa 76 out of 93 posts.” sabi ni Magsino.
Tinuran nito ang paalala ng COMELEC na iberipika ng mga OFW ang kanilang voter registration status upang masigurong makakaboto sa susunod na taon.
At para sa mga walang record dahil na-deactivate, agad nang magparehistro para ma-reactivate.
Para makapagparehistro, maaaring bumisita sa Philippine Embassy, Consulate General, o Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa kanilang deployment area para sa mga OFW na nasa ibayong dagat na.
Para naman dito sa mga nasa Pilipinas ay makakapagparehistro sa COMELEC-OFOV Extension Office; DFA Consular Office NCR (Robinsons Galleria, Pasig City); DFA Office of Consular Affairs – ASEANA Business Park; Department of Migrant Workers (DMW); Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Maritime Industry Authority (MARINA). | ulat ni Kathleen Forbes