Kumikilos ngayon si BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co at ang BHW federation presidents upang kumbinsihin ang local health boards na ipawalang bisa ang gianwang termination o pag-aalis sa trabaho ng mga bagong upong barangay chairman sa may higit 80,000 barangay health worker volunteers.
Ayon sa mambabatas, bagama’t humupa na ang COVID-19 pandemic, ngayong 2024 ay may banta naman ng epekto ng El Niño sa kalusugan gayundin ang isyu ng leptospirosis at gastrointestinal illness kapag may tag-ulan o bagyo.
Aniya sa pagtanggal ng mga BHW ay nakompromiso ang primary health care frontlines ng mga komunidad.
Kaya naman apela ng mambabatas na agad maibalik sa kanilang mga pwesto ang inalis na mga BHW.
Patuloy din aniya silang makikipag-ugnayan sa Senado upang mapagtibay na bilang ganap na batas ang Magna Carta of BHWs kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng seguridad sa trabaho at dagdag benepisyo para sa mga BHW.
“We will continue our efforts to defend the BHWs and have them reinstated with due process. The BHW Party-list and BHW federation presidents are working hard to convince the local health boards to nullify the termination of BHWs and reinstate the BHWs. The proper petitions and supporting documents are being filed before the local health boards.” sabi ni Co. | ulat ni Kathleen Forbes