Desidido ang pamahalaan na gawing sentro ng economic activity at turismo ang Ilog Pasig, kasabay ng patuloy na pag-develop at paglilinis dito.
“Alam ko naman na mahabang pakiki-baka ito. Mahabang panahon ang kinakailangan ilaan dito. Decades of neglect cannot be undone in months. Kaya naman hindi namin gina-gawa ito para sa kapakanan ng kasalukuyang administrasyon. Ito po ay para sa susunod na mga henerasyon.” —Pangulong Marcos.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa opisyal na pagbubukas ng Pasig Bigyang Buhay Muli sa Jones Bridges, Manila ngayong gabi (January 17), kasama si First Lady Liza Araneta – Marcos.
Sa oras na makumpleto ang 50 -kilometer na proyektong ito sa kahabaan ng Pasig River, asahan na ang naggagandahang estatwa, gawa ng Filipino artists, mga mini-fountain, mga pailaw, at public park na layong makahatak ng mga turista at pamilya.
Tampok rin ng programang ito na magtayo ng walkway sa gilid ng kahabaan ng Ilog Pasig, mula sa Jones Bridge, lungsod ng Maynila hanggang sa Laguna De Bay.
Sabi ni Pangulong Marcos, hindi basta pangako ang proyektong ito, lalo’t hihingi siya ng quarterly at yearly report mula sa Housing Department upang masiguro na umuusad ang programa.
“Kagaya ng laging pinapaala sa akin – ng ating butihing Kalihim ng DHSUD, “Go Big, or Go Home.” So, you do not expect any halfhearted commitments not from this President. In everything I do, I am all fully in.” —Pangulong Marcos.
Samantala, tinatayang aabot sa 10,000 ang inaasahang informal settlers na tatamaan ng proyekto, kaya naman pagsisiguro ni Housing Secretary Rizalino Acuzar, lahat ng informal settlers na maaapektuhan nay mayroong bahay na malilipatan.
Kasabay aniya ng pagtatayo ng proyektong ito, ang pagtatayo rin ng pabahay program ng pamahalaan na partikular na nakalaan para sa mga informal settlers na maaapektuhan ng Pasig Bigyan Buhay Muli.
Partikular sa Lupang Arienda sa Rizal. Habang magkakaroon rin ng resettlement unit sa Baseco, sa Philippine Ports Authority, mayroong aniyang 25 hectares na lupa sa lugar, kung saan halos 60, 000 units ang itatayo. | ulat ni Racquel Bayan