Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pinoy para-athletes na nag-uwi ng 19 na medalya at karangalan sa pakikilahok ng mga ito sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ayon sa Pangulo, tunay namang maipagmamalaki at nakaka-proud ang 19 na mga medalya na iniuwi into sa bansa at nakuha ang ika-9 na pwesto sa isang napakakumpitensyang larangan na nilahukan ng 44 na bansa.
Sa para-athletes na nakilahok sa nasabing palakasan, 10 ang nakakuha ng gold, apat ang silver at lima ang bronze.
Kaugnay nito’y kabuuang P19.5 million ang ipinagkaloob na cash incentives sa para-athletes na nagbigay karangalan sa bansa na ginawa base na din sa itinatakda ng RA
10699 o ang ‘National Coaches and Athletes Benefits and Incentives Act’.
Bukod dito ay nagbigay din ng cash incentive si Pangulong Marcos Jr. sa bawat atletang ginawaran ngayon ng pagkilala.
Umabot sa kabuuang P13.45 million na dagdag ang ipinagkaloob ng Office of the President. | ulat ni Alvin Baltazar