Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang masamang kawani ng gobyerno ay dapat maireklamo.
Bahagi ito ng naging talumpati ng Pangulong Marcos Jr., sa kick-off ceremony ng Bagong Pilipinas na kung saan ay inisa-isa ng Chief Executive ang hindi dapat masumpungan sa sinomang kawani o opisyal ng pamahalaan.
Kabilang na dito ang hindi tapat at mga
nangungulimbat o nagnanakaw sa pera ng bayan.
Dagdag ng Pangulo na sa Bagong Pilipinas ay bawal ang waldas. At ang paggugol sa aniya’y budget ng bayan ay dapat na bukas sa publiko at hindi kinukubli. Walang parte aniya dito ang kinukupit o sinusubi.
Hindi rin aniya dapat sa isang taga-gobyerno na mapang-api at
naghahari-harian gayung ang mga nasa pamahalaan ay tagapagsilbi ng mga tao at hindi panginoon.
Hindi aniya dapat pahirapan ang taongbayan at bagkus, ay dapat na mabigyan ng magalang na panunungkulan.
Sa kabilang dakoy dapat naman aniyang gawaran ng rekomendasyon ang mga government employees na may mga mabuting ginagawa. | ulat ni Alvin Baltazar