Matagumpay na nakapagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isang medical evacuation para sa isang foreigner na nakaranas ng stroke lulan ng isang passenger vessel sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng PCG, isang 59-anyos na Aleman na kinilalang si Olaf Schimmelpfennig ang nakaranas ng acute stroke lulan ng M/V Vasco de Gama, 189 nautical miles hilagang kanluran ng Santiago Island.
Dito rin isinagawa ng PCG personnel na lulan ng MTUG Polaris Queen ang evacuation habang agad namang nagpadala ng ambulansya ang Bureau of Quarantine para sa agarang atensyong medikal sa dayuhan matapos itong ma-disembark na nagdala rin sa kanya sa Lorma Medical Center sa City of San Fernando, La Union para sa akma na tulong medikal. | ulat ni EJ Lazaro