Tagumpay na naisagawa ng mga kawani ng Philippine Coast Guard ng Southeastern Mindanao ang isang search and rescue at towing mission para sa isang distressed vessel 8.8 nautical miles mula sa Surup, Governor Generoso, Davao Oriental.
Ayon sa ulat ng PCG, ang distressed na yateng may pangalang Pleasure Yacht Apkallu ay nakaranas ng engine failure habang naglalayag patungong Davao City mula Indonesia.
Dito na tumulong ang mga kawani ng PCG sa ilalim ng pamumuno ni Coast Guard Capt. George Maganto sa kabila ng masalimuot na karagatan upang matiyak ang kaligtasan ng mga on board ng yate na napag-alamang mga US Citizen.
Naging matagumpay ang operasyon at dinaan sa medical assessments at immigration interviews ang mga nasagip na pasahero.
Nagpasalamat naman ang PCG sa unified efforts na nagresulta sa tagumpay ng search and rescue at towing operations. | ulat ni EJ Lazaro