People’s initiative, isang pag atake sa checks and balance ng Kongreso – Sen. Jinggoy Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Giniit ni Senador Jinggoy Estrada na ang gumugulong na petisyon para amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative (PI) ay isang pag atake sa checks and balance at bicameralism.

Layon pa naman aniya ng bicameralism at checks and balance sa sistema ng kongreso na maiwasang abusihin nito ang kanilang kapangyarihan.

Pinunto ng senador, na sa isinusulong na people’s initiative ay layong amyendahan ang Konstitusyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng constituent assembly kung saan bobotong magkasama ang Kamara at Senado.

Ayon kay Estrada, ang ideyang magkasamang boboto ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay hindi lang isang insulto sa Senado kung hindi pagtataksil rin sa tiwalang ibinigay ng taumbayan sa kanila.

Dapat aniyang tutulan ang anumang pagtatangka na pahinain ang independence at integridad ng senado.

Ipinahayag rin ni Senadora Pia Cayetano, na dapat magkahiwalay na bumoto ang senado at kamara

Tinukoy rin nito ang ilang legal luminaries na nagsasabing dapat hiwalay ang pagboto ng dalawang kapulungan tulad nina Christian Monsod, dating Senate President Franklin Drilon, Fr. Joaquin Bernas SJ, at dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us