PH Bankers, nag-aabang sa pagbabawas ng interest ng BSP upang lumago ang pagpapautang sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-aabang ang mga bangko sa bansa ng rate cut mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa paglago ng pautang at magtutulak sa paglago ng ekonomiya.

Ayon kay Bankers Association of the Philippines Jose Teoforo Limcaoco, kapag lumuluwag ang inflation lalong nagkakaroon ng kumpiyansa ang mga consumer at lalago ang gross domestic product o GDP.

Aniya, nananatiling nakasuporta ang banking industry sa hangarin ng bansa na paglago ng ekonomiya.

Naniniwala naman si Rizal Commercial Banking Corp. President and CEO Eugene Acevedo, na maaari nang simulan ng BSP ang rate cut ngayong bumabagal na ang inflation upang mas makinabang ang mga consumer at maliliit na negosyo sa mas mababang interes.

Samantala, sa panig ng Philippine Stock Exchange nag-aabang din ang mga investor sa susunod na economic date na ilalabas ng National Economic and Development Authority na magiging batayan ng BSP sa kanilang monetary policy setting. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us