Patuloy na kinukumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Japan kung may pasaherong Pilipino ang nadamay sa pagliyab ng Japan Airlines matapos magkaroon ng collission sa Japanese Coast Guard aircraft kamakailan.
Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Japan kung may nakabilang na Pilipinong nadamay sa naturang insidente.
Dagdag pa ni Ambassador Albano na nakahanda ang ating Embahada sa Japan kung sakaling may Pilipinong nadamay sa pagbibigay ng anumang tulong mula sa gobyerno.
Kaugnay nito, umabot sa 14 na naiulat na sugatan mula sa 367 pasahero na lulan ng eroplano. | ulat ni AJ Ignacio