Makakasama sa Philippine Contingent na lalahok sa 2024 World Chess Olympiad si Philippine Army Women’s Chess Grandmaster Private First Class Janelle Frayna.
Ito’y matapos niyang makamit ang ikatlong pwesto sa Philippine National Open Chess Championship na isinagawa sa Marikina Community Convention Center mula January 3 hanggang 7.
Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Louie Dema-ala, makasaysayan ang pagwawagi ni PFC Frayna dahil siya ang kauna-unahang babae na nagtapos sa top three ng taunang kompetisyon.
Nasa 14 na grandmaster mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang lumahok sa naturang kompetisyon, na tinaguriang “Battle of the Grandmasters.”
Nagtapos naman sa ika-6 na pwesto ang team-mate ni PFC Frayna na si Private Vince Medina.
Ang Top 3 sa naturang kompetisyon ang kakatawan sa Pilipinas sa 2024 World Chess Olympiad sa Budapest, Hungary. | ulat ni Leo Sarne
📸: Special Service Center, Philippine Army