Ipagpapatuloy lamang ng delegasyon ng Pilipinas sa 2024 World Economic Forum ang nauna nang mensahe ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa pulong noong nakaraang taon, na bukas ang Pilipinas para sa negosyo at ito ang pinakamaakmang lugar sa rehiyon para maglagak ng puhunan.
“We want to reiterate the message so it is not lost. We will repeat the message that the Philippines is open for business, we are strong, and we are united,” saad House Speaker Martin Romualdez.
Sa welcome lunch na inihanda ng WEF heads, ibinida ni Speaker Romualdez ang matatag na economic fundamentals ng Pilipinas na nasa rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad sa buong mundo.
Batay sa 2024 Chief Economist Outlook ng WEF, mananatiling matatag ang ekonomiya ng Timog at Silangang Asya sa kabila ng inaasahang paghina ng mga nangungunang ekonomiya sa buong mundo.
“(We have) great fundamentals: the macro figures are fantastic. We are in the fastest growing region, we are the bright spot amid the global recession that we are suffering from. And within that bright spot, we look at the Philippines as the best country to invest in,” pagbibida ni Romualdez.
Pagsusumikapan aniya ng delegasyon na panatilihing nag-aalab ang apoy at sisiguruhin na ang mensahe ng Pangulong Marcos ay magpapatuloy at mararamdaman aniya ang presensya ng Pilipinas sa Davos.
Inaasahan naman na sa susunod na taon ay muling dadalo si PBBM sa isa sa pinakamalaki at mahalagang pulong ng world at business leaders.
“We are very excited for this because we believe that the Philippines has so much to offer and there is so much for the Philippines to gain from this engagement and we want to make the most of it,” wika ni Romualdez.| ulat ni Kathleen Jean Forbes