Philippine Medium-Term Management  Debt Strategy, binabalangkas na ng DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda na ng Department of Finance (DOF) ang medium term strategy para pangasiwaan ang pagkakautang ng bansa.

Sa isang talumpati ni Finance Sec. Ralph Recto, sinabi nito na ang Philippine Medium-Term Debt Management Strategy  ay naglalayong magkaroon ng “transparency” sa public borrowing at siyang magiging panuntunan.

Base sa tala ng Bureau of Treasury ang outstanding debt ng National Government ay nasa 14.51 trillion pesos, 60 percent share ng GDP ng bansa.

Bagaman mahigit ito sa 60 percent threshold, kinukunsidera pa rin itong manageable ng mga multilateral lenders for developing economies.

Target ng gobyerno na maibababa ang debt-to-GDP ratio ng mas mababa sa 60 percent sa taong 2025.

Ayon kay Recto, nanatili pa rin ang Pilpinas na may pinakababang debt-to-GDP ratio kumpara sa ibang mga bansa at  less vulnerable sa external shocks.

Diin ng kalihim, kinakailangan mamintine ang high investment-grade credit rating sa gitna ng maraming downgrades globally upang mapaghusay ang market access ng bansa at masuportahan ang ating financing requirements. | via Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us