Magdedeploy ang Philippine Red Cross ng higit sa 1,000 first aiders, emergency response unit personnel at emergency medical teams sa traslasyon ng Black Nazareno.
Bukod dito, maglalagay din ng sampung first aid station at welfare desk sa ruta ng prusisyon.
Ayon kay Red Cross Chairman and CEO Richard Gordon may anim na team pa na mga foot patrollers at mga mobile first-aiders ang ikakalat din sa lugar.
Magtatayo din ang PRC ng Emergency Field Hospital (EFH) malapit sa Kartilya ng Katipunan na tutulong sa Department of Health (DOH) at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Simula bukas, ipupwesto na ang 17 ambulance units, 1 fire truck, 2 rescue boats, at 1 amphibian sa mga strategic areas sa Maynila upang magbigay ng medical assistance sa mga deboto na manggagaling sa iba’t ibang rehiyon sa bansa
Samantala, sinabi naman ni PRC Secretary-General, Dr. Gwen Pang, na may 20 pang mga ambulansya ang manggagaling sa Regions 3 at 4A para mag antabay at magbigay ng assistance. | ulat ni Rey Ferrer