Pinaigting ng Philippine Red Cross (PRC) ang paghahanda nito para sa Pista ng Itim na Nazareno.
Nagpakalat ng PRC ng mga handheld radio unit at nag-install ng Very Small Aperture Terminal (VSAT) sa kanilang command post sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila upang matiyak na bukas ang linya ng komukasyon sa mga personnel at volunteer ng PRC na ide-deploy sa araw ng Traslacion.
Kasunod ito ng ipatutupad na temporary shutdown ng cell phone signals ng Philippine National Police (PNP) sa mga ruta na dadaanan ng Traslacion.
Ito ay upang matiyak ang seguridad sa taunang selebrasyon.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, ang pag-install ng VSAT sa kanilang command post ay makatutulong na ma-monitor ng real time ang sitwasyon sa Traslacion upang maka-responde agad kung mayroong emergency.
Makatutulong din aniya ang mga nabanggit na teknolohiya para maiulat sa PRC Headquarters sa Mandaluyong City ang mga pangyayari sa Traslacion at makapagbibigay ng karagdagang tulong kung kinakailangan. | ulat ni Diane Lear