Lumagda ng isang memorandum of understanding ang Pilipinas at Indonesia para sa pagpaplakas ng kooperasyon sa sektor ng enerhiya ng dalawang bansa.
Sa naturang MOU, kapwa nilagdaan ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng mas malawak na business ventures sa sektor ng coal at liquified petroleum gas.
Kabilang sa nilalaman ng naturang MOU ay ang pagkakaroon ng bilateral cooperation sa energy transitions, renewable energy, electric vehicles, kabilang din ang pagpaparami ng suplay ng hydrogen at ammonia at pagiging energy sufficient ng Pilipinas at Indonesia.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, hangad ng dalawang bansa na sa pamamagitan nito ay magkaroon ng sapat na enerhiya at mas maging energy efficient na ang dalawang bansa. | ulat ni AJ Ignacio
📷: PCO