Mahigpit ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Japan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino doon, matapos ang pagtama ng 7.6 magnitude na lindol sa Ishikawa.
Sa maikling mensahe ng Pangulo, tiniyak nito ang kahandaan ng bansa na magpaabot ng anumang tulong na kakailanganin.
Nakakalungkot aniya ang pangyayaring ito na sumabay pa sa pagpasok ng Bagong Taon.
“We are deeply saddened to hear of the magnitude 7.6 earthquake in Japan on New Year’s Day. We are in close collaboration with the Japanese government to secure the welfare of our kababayans, who thankfully remain unharmed.” — Pangulong Marcos.
Sa gitna aniya ng mga nararanasang climate challenges sa rehiyon, nananatiling nakatindig at sumusuporta ang Pilipinas sa Japan.
“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan