Inihayag ni Speaker Martin Romualdez ang plano ng Pilipinas na bumuo ng isang legal framework sa ASEAN na magsisilbing panuntunan sa artificial intelligence.
Ito aniya ay oras na pormal na kunin ng Pilipinas ang chairmanship sa regional block sa taong 2026.
Aniya, maliban sa banta ng cybersecurity ay nagkakaroon din ng alinlangan at pangamba sa pagsikat ng AI.
Kaya naman kung magkakaroon lamang ng guidelines sa tamang regulasyon hinggil dito ay tiyak na magagamit at makakatulong ito sa pagpapaunlad ng ASEAN region.
“Alongside that is cybersecurity, and the concomitant concerns and issues as generative artificial intelligence, a field that needs a lot of support and regulation. We feel that in ASEAN, we can capitalize and optimize these developments, but within a framework of regulatory support for this.” sabi ng House Speaker na siya ring nanguna sa Philippine delegation sa World Economic Forum 2024 Annual Meeting.
Ayon kay Romualdez, mahalaga na magkaroon ng panuntunan o guidelines sa AI lalo at malaking banta ito sa business process outsourcing sector ngayong mas nagiging laganap ang paggamit sa AI.
Kaya naman kasama ang digitization sa economic policy ng pamahalaan ng Pilipinas.
“It’s a very vulnerable sector in a very, very bright industry today. But we see a transformation of personnel and upskilling of these personnel to a level to support generative AI will be likely a very, very logical direction to take. It is incumbent upon us in Congress to come up with a legal framework that will not just fit the Philippines, but will be very, very appropriate for the ASEAN.” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes