Pinaigting na kampanya ng DepEd kontra bullying, welcome sa CHR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinaigting na kampanya ng Department of Education (DepEd) kontra bullying.

Partikular dito ang inisyatibo ng DepEd na sanayin ang mga guro at magulang sa pagtukoy ng “red flags” sa bullying sa kanilang mga estudyante at anak.

Layon nitong matukoy ang mga estudyante na nangangailangan na ng intervention.

Sa ulat ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, nitong Nobyembre ng 2023, umabot sa 1,709 na report ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa mga estudyante ang natanggap ng Learner’s Telesafe Contact Center Helpline.

Ayon sa CHR, mahalaga ang hakbang na ito ng DepEd dahil kinikilala nito ang pangangailangan ng isang proactive approach sa pagtugon sa mga kaso ng bullying sa paaralan.

Isinasaprayoridad din aniya rito ang mental health na kritikal sa overall development ng mga estudyante. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us