Maaaring umabot sa hanggang 40°C ang temperatura na maramdaman mula sa buwan ng Marso hanggang Abril ngayong taon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring maging isa ito sa pinakamainit na mga buwan sa kasalukuyan.
Maaaring umabot ng hanggang 40°C ang temperatura sa ilang lugar sa bansa tulad sa Cagayan Valley Region.
Ayon kay PAGASA Weather Services Assistant Chief Ana Liza Solis, tinatayang mas mababa ang bilang ng mga tropical cyclone ang maaaring pumasok sa bansa para sa taong ito dahil sa El Niño.
Mula sa karaniwang average na 19 hanggang 20 sa isang taon, 13 hanggang 19 na tropical cyclones lamang ang inaasahan ngayong taon.
Dagdag ni Solis na maliit ang pagkakataon na maranasan ng bansa ang La Niña.
Hinikayat din ni Solis ang publiko na protektahan ang kanilang kalusugan laban sa epekto ng mainit na panahon. | ulat ni Mary Rose Rocero