Nagtataka ang ilang mga tindero ng bigas sa Pasig City Mega Market kung bakit patuloy sa pagtaas ang presyo ng bigas sa kabila ng mataas na suplay nito dahil sa nakalipas na anihan.
Ito’y marakaang tumaas muli ng ₱1 ang kada kilo ng well milled rice mula sa dating ₱53 ngayon ay nasa ₱54 na ang kada kilo.
Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda ng bigas na wala namang maikatuwiran ang kanilang mga supplier kung bakit tumataas ang presyo ng hinahango nilang bigas.
Nabatid na maliban sa well-milled rice, tumaas din ng ₱3 ang presyo ng kada kilo ng regular-milled rice sa ₱52 mula sa dating ₱49.
Subalit ito yung mga tinatawag na broken rice o durog na bigas na manilaw-nilaw ang kulay.
Kaya naman apela ng mga nagtitinda ng bigas, kung makapagbibigay muli ng ayuda ang pamahalaan, kaya nilang magbenta muli ng mas mababang presyo ng bigas sa pamilihan. | ulat ni Jaymark Dagala