Umabot na sa 2,602 magsasaka ang naaapektuhan ng patuloy na umiiral na El Niño phenomenon sa bansa.
Ito’y batay sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRMOC).
Ayon sa ulat, pumalo na sa PhP 109.44 million ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa mga pananim mula sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
May 2,177 ektarya na karamihan ay may pananim na palay ang apektado at 4,738 metric tons ng agricultural products ang nasira.
Base sa El Niño Advisory, patuloy na umiiral ang strong El Niño at inaasahang magpapatuloy hanggang Pebrero 2024.
Posible pang mararanasan ito sa panahon ng Marso,
Abril at Mayo bago ang transition sa ENSO-
neutral sa buwan ng Abril-Mayo hanggang Hunyo,2024.| ulat ni Rey Ferrer