Ngayong 2024, tina-target na ng Department of Agriculture (DA) na ilatag ang istratehiya mga nito na nakatuon sa modernisasyon sa agri sector gayundin sa pagpapaangat ng food production sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan nang matutukan ang food security sa bansa lalo’t may hamon ng El Niño.
Mahalaga rin aniya ang mas akmang farm at market statistics, makabagong teknolohiya, at pati na ang farm mechanization.
Sinabi ng kalihim na nakatakda na nitong ibahagi ang mga bagong programa sa DA sa susunod na 10 araw.
Kaugnay nito, hiniling ni Sec. Laurel ang pakikiisa ng lahat ng kawani ng DA para sa hangarin nito sa sektor ng pagsasaka.
“2024, is a new year and it will be a very challenging year. As I told you last time, all eyes are trained on us, more on me probably because I’m the new agriculture secretary. The entire country expects that we could feed them and that we will try to bring commodity prices down,” pahayag ni Sec. Laurel. | ulat ni Merry Ann Bastasa