PNP Chief Gen. Acorda, ikinagalit ang pagkakadawit niya sa destabilisasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi napigilan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na maglabas ng kaniyang pagkadismaya sa pagdadawit sa kaniyang pangalan sa isyu ng destabilisasyon.

Ito ang bumungad sa kaniyang talumpati sa kauna-unahang flag raising ceremony ng PNP para sa taong 2024 sa Kampo Crame ngayong umaga.

Aniya, hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pagdawit sa kaniyang pangalan para sirain ang kredibilidad na kaniyang iningatan ng maraming taon sa serbisyo.

Dahil dito, hinikayat ni Acorda ang buong puwersa ng PNP na magkaisa at huwag magpatinag sa mga lumalabas na disinformation at misinformation lalo na sa social media.

Maituturing aniya itong pag-atake sa kanilang mga naging tagumpay partikular na ang mataas na tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanila ng taumbayan.

Sa huli, hinikayat ni Acorda ang buong PNP na manatiling tapat sa kanilang mandato na protektahan at pagsilbihan ang mamamayan gayundin ang buong bayan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us