Nagtitipon ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame para sa tradisyonal na New Year’s Call.
Kasamang dumating ng maaga ang mga opisyal ng PNP ang kanilang asawa sa pagdalo sa taunang tradisyon sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang New Year’s Call kasama ang mga miyembro ng Command Group.
Dito, inaasahang magbibgay ng direktiba ang PNP Chief sa mga mga matataas na opisyal ng Pulisya mula sa Directorial Staff hanggang sa mga Regional, Provincial, at City Director gayundin sa mga pinuno ng support unit.
Ang New Year’s Call ay isang tradisyon sa mga nasa uniformed service bilang pagbibigay ng “courtesy” ng mga subordinate leader sa kanilang mga commander at pagkakataon na rin ito para magkaroon ng “camaraderie” sa mga pulis.
Samantala, mamayang hapon naman, inaasahang haharapin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang mga tauhan ng PNP sa Camp Crame para pa rin sa kumustahan at magbaba ng mga bagong direktiba at kautusan ngayong 2024. | ulat ni Jaymark Dagala