Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang nawawalang case folders ng mga tiwaling pulis buhat sa National Capital Region (NCR).
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo matapos ang ginawang inventory ni National Capital Region (NCRPO) Chief, P/Maj. Gen. Jose MeNational Capital Regionlencio Nartatez Jr.
Ayon kay Fajardo, nakipag-ugnayan siya sa hepe ng Regional Personnel and Records Management ng NCRPO na si P/Col. Rodel Pastor at doon sinabi nito na walang nawawalang case folders
Sa halip aniya ay na-misplaced ang mga ito dahil sa kakulangan ng maayos na turnover ng mga pulis na humahawak sa mga kaso matapos silang mare-assign sa ibang lugar o unit.
Una nang ini-ulat ng NCRPO na mula nang umupo bilang hepe ng NCRPO si Nartatez, nasa 300 mula sa kabuuang 800 mga tiwaling pulis ang tinanggal na sa serbisyo.
Dahil dito, tinitingnan na ng NCRPO kung nagkaroon nga ba ng sabwatan sa pagitan ng mga may hawak ng case folders at ng mga iniimbestigahang pulis.
Kaya naman, ito ang nagtulak ayon kay Fajardo para gumawa ng database ang NCRPO ng kanilang mga case folder upang mas madali na itong ma-track at maresolba. | ulat ni Jaymark Dagala