Mananatili ang policy setting ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa unang bahagi ng taon ayon kay BSP Governor Eli Remolona.
Sa isang panayam, sinabi nito na hindi pa posible na magkaroon ng rate cut ngayong February 15, 2024.
Paliwanag ni Remolona, ito ay dahil ang inflation forecast para sa taong 2024 ay mataas pa sa 2 to 4 percent target ng economic managers.
Mula Mayo 2022 hanggang October 2023 ay tumaas na ng 450 basis points ang borrowing cost, na nagdala sa 16-year high na 6.5% upang makontrol ang epekto ng mataas na inflation.
Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila, mananatili ang kasalukuyang policy rate na 6.5% ng mas matagal pa bunsod ng evolving upside risk to inflation gaya ng epekto ng Red Sea crisis, domestic labor condition to price pressures, at epekto ng El Niño Phenomenon.
Base sa datos ng BSP, tumataas ng .02 percentage point ang inflation tuwing tag tuyot dahil sa epekto nito sa mga produktong agrikultura. | ulat ni Melany Valdoz Reyes