Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na tataas na ng P500 ang kontribusyon ng kanilang mga miyembro simula ngayong taon.
Ayon kay PHILHEALTH President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, mula P400 ay magiging P500 na ngayon ang kanilang premium payment.
Paliwanag ni Ledesma, alinsunod naman ito sa itinatakda ng Universal Health Care Act bilang pandagdag pondo na gagamitin sa pagbibigay ng karagdagang serbisyo.
Dagdag pa niya, kanilang itutuloy ang umento sa kontribusyon ng kanilang mga miyembro subalit kung makatatanggap sila ng direktiba mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para ipatigil ito, tatalima naman sila. | ulat ni Jaymark Dagala