Nakabangon na ang bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic maging sa epekto ng Ukraine- Russia war at tensiyon sa Gitnang Silangan.
Ito ang ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa harap ng diplomatic corps kasunod ng isinagawang taunang Vin d Honneur sa Malacañang.
Back to business na, sabi ng Pangulo ang Pilipinas habang papaganda na ang ekonomiya at umaarangkada na din ang catch up spending o ang mabilis na paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Kasama rin sa ipinagmalaki ng Chief Executive ang magandang pagbagal ng inflation na nitong Disyembre ay naitala sa 3.9%, gayundin ang pagbaba ng unemployment rate na nai- record noong November.
Nakikita rin aniya niya ang Pilipinas, dagdag ng Pangulo na makakasama sa fastest growing economies sa Asya na kung saan ay pinagbasehan nito ang forecast na ibinigay ng Asian Development Bank, ASEAN + 3 Macroeconomic Research Office, World Bank, at International Monetary Fund o IMF. | ulat ni Alvin Baltazar