Walang paggalaw sa presyo ng lokal na sibuyas sa Mega Q-Mart sa Quezon City.
Sa pwesto ni Mang Jayson, nasa ₱110 kada kilo ang pulang sibuyas habang ₱60 naman para sa puting sibuyas.
Wala namang problema kay Mang Jayson ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na pansamantalang itigil ang importasyon ng sibuyas dahil mas tinatangkilik naman daw ng kanilang mga suki ang lokal na sibuyas.
Samantala, wala gaanong paggalaw sa karamihan ng gulay na ibinibenta sa Q-Mart kabilang ang:
• Ampalaya ₱90 kada kilo
• Talong ₱80 kada kilo
• Sayote ₱40 kada kilo
• Carrot ₱80 kada kilo
• Patatas ₱95 kada kilo
• Repolyo ₱35 kada kilo
• Pechay Baguio ₱35 kada kilo
• Okra ₱80 kada kilo
• Siragilyas ₱80 kada kilo
• Leeks ₱100 kada kilo
• Siling panigang ₱60 kada kilo
• Luya ₱90 kada kilo
Malaki naman ang itinaas ng kamatis na mula sa ₱40 lang noong nakaraang linggo ay ibinebenta na ngayon sa ₱75 para sa maliliit habang ₱90 sa malalaki. | ulat ni Merry Ann Bastasa