Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina City Public Market, tumaas ng hanggang ₱6

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam na agad ng ilang mga mamimili sa Marikina City Public Market ang paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin.

Ito’y matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na umento sa apat na brand ng Sardinas, isang brand ng powdered milk, at apat na brand ng toilet soap.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱1.50 hanggang ₱6 ang itinaas sa presyo ng mga nabanggit na produkto.

Ang bawat 135 grams ng gatas ay nagkakahalaga ng ₱55, nasa ₱25 naman ang presyo kada lata ng sardinas habang nasa ₱20 naman ang presyo ng toilet soap.

Nabatid na ito na ang ikalawang bahagi ng price adjustment na inaprubahan ng DTI ngayong buwan matapos unang aprubahan ang umento sa iba pang pangunahing bilihin gaya ng instant coffee.

Habang nananatili namang nakabinbin ang petisyon para sa dagdag presyo ng may 40 pangunahing produkto gaya ng tinapay, instant noodles, iba pang brand ng gatas, bottled water, at de-latang karne. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us