Kumbinsido ang ilang mamimili sa Pasig City Mega Market na may nagmamanipula sa presyuhan ng sibuyas sa merkado.
Ayon sa ilang namimili rito na sadyang pinatataas ng ilang mga nagtitinda ang kanilang benta.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱160 ang kada kilo ng pulang sibuyas habang ₱140 naman sa puti.
Malayo naman ito sa ₱60 hanggang ₱65 farmgate price sa pulang sibuyas habang ₱20-₱25 sa puting sibuyas.
Pero may nagtitinda pa rin ng murang sibuyas na nasa ₱100 sa pula at ₱80 naman sa puti dahil direkta silang humahango.
Sa kanila kumukuha ng suplay ang mga nagtitinda sa palengke kung saan, tinutubuan din ito para makabawi. | ulat ni Jaymark Dagala