Naglabas ng resolusyon ang National Police Commission (NAPOLCOM) na nagtatakda ng 30-araw na timeline sa pagproseso ng mga promosyon ng mga 3rd Level Officers ng PNP.
Ang 30-araw na timeline ay mula sa panahon na matanggap ng NAPOLCOM ang kumpletong “documentary requirements” ng mga kandidato sa promosyon.
Ayon kay NAPOLCOM Chairman, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. saklaw ng NAPOLCOM Resolution No. 2023-1704 ang promosyon ng mga pulis opisyal sa ranggong Police Colonel hanggang sa Police Lt. General.
Ito aniya ay para magkaroon ng mas episyente at transparent na proseso, at pawiin ang anumang pagdududa na may palakasan sa paggawad ng promosyon.
Matatandaang tiniyak ni Abalos sa mga matataas na opisyal ng PNP na dumalo sa tradisyunal na New Year’s Call sa kalihim sa Camp Crame noong nakaraang linggo, na sisiguraduhin niya na hindi maantala ang desisyon sa mga promosyon ng mga pulis opisyal, aprubado man ito o hindi.| ulat ni Leo Sarne