Pinawi ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pangamba ng publiko na nawala na ang kanilang Philippine Identification (PhilID) Card dahil sa tagal na hindi naihahatid.
Paliwanag ng PSA Philippine Identification System, ang “Not Found” status sa PHLPost tracker ay hindi nangangahulugang missing na ang PhilID.
Maaari aniyang sumasailalim pa ito sa proseso o ihahatid pa lamang sa PHLPost para ma-deliver sa kinauukulang personalidad.
Sinisiguro rin ng PSA at PHLPost ang secure at agarang delivery ng Philsys ID.
Anila, para makasiguro, bisitahin lamang ang https://tracking.phlpost.gov.ph para ma-check ang delivery status ng PhilID. | ulat ni Rey Ferrer