Isinusulong ni Senadora Imee Marcos ang isang senate inquiry para malaman ang pagiging epektibo ng Republic Act 6735, o ang Initiative and Referendum Act.
Sa inihaing Senate Resolution 903 ng senadora, layong matiyak na magkakaroon ng isang makatotohanang paraan para makapagpanukala ang taumbayan ng amyenda sa Saligang Batas.
Ito ay sa gitna ng napapaulat na pangangalap ng pirma mula sa iba’t ibang congressional districts para sa isang People’s Initiative pabor sa chacha.
Sa ilalim ng naturang batas, tinutukoy ang kapangyarihan ng taumbayan na direktang magpanukala, magpatibay, mag-apruba o tumanggi sa konstitusyon, batas, ordinansa, o resolusyon na ipapasa ng anumang legislative body.
Nakasaad rin sa resolusyon ni Senadora Imee ang kawalan ng record kung ilang beses nang nagamit ng matagumpay sa RA 6735. | ulat ni Nimfa Asuncion