Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng expanded JG Summit Petrochemicals Manufacturing complex sa lalawigan ng Batangas.
Sa naging talumpati ng Pangulo, inihayag nito ang aniyay’ assignment ng economic team na bawasan ang red tape sa pamahalaan.
Sa halip na red tape, dapat aniya ang maibigay sa mga foreign maging sa local investors ay red carpet.
Dagdag pa ng Pangulo na magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang insentibo para sa mga negosyante at lalo pang palakasin ang pagtataguyod ng ‘ease of doing business’.
Hindi rin aniya tama na pinahihirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabigat na pagbabayad ng buwis. | ulat ni Alvin Baltazar