Nakipagpulong si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco para pag-usapan ang Redevelopment Plan ng Quezon Memorial Circle.
Alinsunod ito sa layuning mapanatiling luntian ang lungsod at Green Lung of Metro Manila na binibisita ng maraming turista.
Ayon sa QC LGU, kasama sa tinalakay sa pulong ng alkalde at DOT Secreatary Frasco ang pagkakaroon ng karadagang green at open spaces at mga pasilidad tulad ng open amphitheater, playground, at iba pang lugar kung saan makakapagpahinga at makakapaglibang ang mga bisita.
Kasama ni Mayor Joy sina City Administrator Mike Alimurung, City Architect Lucille Chua, Parks Development and Administration Department OIC Arch. Red Avelino, City Tourism Department OIC Ms. Tetta Tirona, at Quezon Memorial Circle Administrator Windsor Bueno. | ulat ni Merry Ann Bastasa