Rehabilitasyon ng Bustos Dam, nagpapatuloy — NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang rehabilitasyon ng National Irrigation Administration (NIA) sa Angat Afterbay Regulator Dam o mas kilala bilang Bustos Dam.

Kabilang sa pinakabagong development ang bagong install na rubber gate sa dam na tugon sa naitalang pinsala sa Rubber Gate No. 5 noong 2020.

Ayon sa NIA, agad na nakipag-ugnayan ito sa mga LGU at sa Irrigators Association (IA) para maresolba ang aberya sa dam at masigurong hindi maaapektuhan ang pagsusuplay nito para sa irigasyon ng mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Bago naman ang pagkakabit ng bagong rubber gate, nagsagawa pa ang NIA ng inflation and leak testing upang masiguro ang structural integrity nito.

Bukod dito, nagpapatuloy rin ang pagpapalit sa iba pang rubber gates sa dam.

Oras na makumpleto ito, inaasahang aabot sa 23,708 magsasaka mula sa Bulacan at Pampanga ang makikinabang sa mas maayos na irigasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us