Nagpapatuloy ang relief efforts ng tanggapan ng Barangay Kalayaan, Angono, Rizal para sa mga residenteng nasunugan sa lugar kamakailan.
Sa gitna ng relief efforts, nagbabala ang sangguniang barangay sa mga residente na maging alisto sa mga indibidwal na nagpapakilala bilang fire victims upang makahingi ng ayuda.
Sa opisyal na pabatid ng Sangguniang Barangay ng Kalayaan, pinapayuhan ang publiko na maging alisto at humingi ng patunay katulad ng sertipikasyon mula sa barangay kung saan nakasaad na sila ay lehitimong fire incident victims.
Idinagdag pa ng pamahalaang barangay, bagamat walang masama sa pagtulong, mahalagang anilang mag-ingat mula sa mga nagpapanggap na mga biktima upang makapangloko.
Batay naman sa opisyal na tala ng Barangay Kalayaan, mayroong 55 pamilyang nasunugan sa kanilang lugar at patuloy na nila itong tinutulungang makapagsimula para sa kani-kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.
Noong ika-7 ng Enero, namahagi na ang Sangguniang Barangay ng Kalayaan sa pangunguna ni Kapitana Annaliza Balagtas ng paunang relief packs para sa mga nasunugan sa Del Rosario St. Barangay Kalayaan. Kalakip ng bawat relief pack ang mga pagkain, bigas, de lata at mga damit. | ulat ni Joshua Suarez | RP1 Lucena