Binigyang diin ni Deputy Speaker at Ilocos Sur Representative Kristine Singson Meehan ang ambag ng reporma sa ekonomiya ng bansa para mapalawak ang layunin ng Bagong Pilipinas campaign.
Aniya, kung maisasakatuparan lang ang pag-amyenda sa economic provisions ng 37-year-old 1987 Constitution, ay mas mapapalakas ng pamahalaan ang pagbibigay ng social services ng bansa.
Sabi ni Meehan, kung makakapasok na ang mga mamumuhunan ay magkakaroon ng mas malaking pondo ang pamahalaan para ipatupad ang social services program gaya ng TUPAD at AICS.
Ayon pa sa lady solon, na suportado nila ang Bagong Pilipinas movement na layong ilapit sa lahat ng Pilpino ang serbisyo ng pamahalaan.
“…dun sa Bagong Pilipinas movement natin, we said that we want to bring the government programs to every Filipino and it’s only through this economic provision na nakikita ko na magagawa natin to. ‘Coz when we start bringing in foreign investment na mas malaki pa than what we are getting now—lahat yan domino effect na, government will be collecting more…we’ll have plenty to share to our people.” sabi ni Meehan sa isang pulong balitaan | ulat ni Kathleen Forbes