Patuloy na ginagawan ng paraan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para maibalik ang kuryente sa Western Visayas.
Kasunod ito ng tripping ng mga power plant at maintenance shutdown ng mga ito na nakaapekto sa Western Visayas.
Ayon sa NGCP, as of 5am ay umakyat na sa 207.7 megawatts ang naisusuplay na kuryente ng mga planta sa Panay habang aabot sa 35.1 megawatts ang mula sa ibang bahagi ng Visayas para sa kabuuang 239.8 megawatts loads.
Kaugnay nito, sinabi ng NGCP na kailangan pa nito ng 300 MW para ma-stabilize ang Visayas grid at maibalik ang power supply.
Hinihintay rin nito ang 135 megawatts na magmumula sa Palm Concepcion Power Corporation (PCPC).
“Load restoration will be done conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure. NGCP is ready to transmit power once it is available.” | ulat ni Merry Ann Bastasa